Saturday, November 25, 2006

Hahaha! Ohh di ba pose! Yan ang pose!

Ang saya namin ano? hehehe. Yan? Picture namin yan sa Pangasinan. Nagkaroon kasi kami ng National Student Convention na ginanap nga sa Pangasinan. Over 90 schools ang nag-punta kaya naman ang daming magaganda! hihihi!

Mula sa akin, ang tanging lalake, pakaliwa..
Yung naka-hawak sa akin na naka-kulay ube ay si Mam Shirley, ang supervisor namin sa 3rd year.
Ang naka-kulay pula naman, ay ang music teacher ng TCA(short for Tagaytay Christian Academy).
Yung naka-kulay ube din na nasa taas ko ay si Mam Theresa na Math teacher ng buong highschool.
Maliit lang naman ang school namin kaya ganun karami ang mga hina-handle nilnag year.

Nasa may pool kami nyan. Hindi swimming pool ha! Yung bang pool na may isda..anu bang tawag dun? basta yun na yun! hehehe. Tapos ayan nga nag-pipicture picture, nag-kwekwentuhan, at nag-papahinga kami diyan kasi dami naming ginawa ng isang buong araw na yan. By the way, isang linggo nga pala kami sa Pangasinan. Ang saya-saya talaga ng aming convention! Full of inspiring sermon and messages from various Pastors and leaders.

That's it for now! I'll post more soon!

Wednesday, November 22, 2006

my moment!


Haay, napaka sarap talagang mabuhay lalu na kung si Lord ang gabay ng buhay. Kung makikita ninyo, merong picture sa may kaliwa nyo. yes..todo pose ako d'yan. hehehe. (mula sa kaliwa) Si sir Dondon(arts teacher nmin na sobrang kulet), si Lalaine(kaibigan kong babae), YOURS TRULY, at si Lovely(kapatid ng clasmate ko). Ang saya-saya ko talaga nang mga panahon na yan. At that day, we celebrated our English day! Kaya naman todo hanap kami sa UKAY-UKAY ng damit kasi ang damit namin ay dapat pang Old English! Nakupo sobrang nahirapan sila sa pag-hahanap. Pero ako, effortless sa pag-hahanap ng damit. Alam mo ba kung bakit? Kasi sa aparador lang namin yan kinuha! Actually sa nanay ko yang blouse ehh!=) wahehehe! Naku todo ingle din kami nyan! ako pa naman ang MC nung araw na yun! Hala sige, hataw sa pag-iengles! hehehe. Pero maganda naman ang naging response ng audience. Thank God. Hanggang dito nalang muna! Sige!